PRO XRM nakataya sa Honda Moto Series
MANILA, Philippines - Isang bagong PRO XRM na gawa ng Honda bukod pa sa premyo at tropeo ang paglalabaÂnan ng mga pambato sa motoÂcross sa gaganaping limang leg ng 2013 Honda Motocross Series.
Kumbinsido naman si Samuel Mark Tamayo, race director at pangulo ng Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co., na siyang nasa likod ng serye ng karera, na dudumugin ng mga riders ang kanilang pakarera matapos ang pagkakasundo ng mga malalaking tao sa industriya nang ilarga ang unang leg noong Pebrero 17 sa Motocross Messiah Fairgrounds, Club Manila East sa Taytay, Rizal.
“Ang mga hindi magkasundo na riders ay nagkasama-sama sa pakarera dahil naniniwala sila sa adhikain na pasiglahin uli ang motocross sa bansa,†wika ni Tamayo na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama si Honda Philippines advertising supervisor Lloyd Garces.
Nanguna sa nanalo noong Linggo ay si Glen Aguilar na kampeon sa Pro Open Production at ang anak na si MClean na dinomina ang Kids Senior at naging mahigpit na kalaban ni Glen sa Pro Open.
Ang ikalawang leg ay gagawin sa Marso 3 kasunod ng tagisan sa Marso 10, Abril 7 at 28. Ang lalabas bilang pinakamahusay sa Pro Open Production at Open Underbone ang tatanggap ng bagong motor at P15,000.00 unang gantimpala.
- Latest