^

PSN Palaro

Ateneo pakay ang korona sa UAAP baseball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ngayon ng Ateneo ang kanilang kauna-unahang baseball title habang lalapit ang Adam­son sa isa pang kampeonato sa softball sa  ga­gawing mga laro sa Rizal Memorial Baseball stadium ngayon.

Sasandalan ng Eagles ang 6-2 panalo sa nagdedepensang National University sa muling pagkikita sa alas-12 ng tanghali at isang tagumpay pa ang tatapos sa best-of-three series.

Nasa ganitong sitwas­yon ang Eagles noong nakaraang taon pero  naka­hulagpos ang titulo nang matalo sa Game Two at sa deciding Game Three.

“Hindi  na kami papa­yag na mawala pa ito. Sa nila­laro ng mga bata, tingin ko ay kaya naming makauna na ito,” wika ni Eagles coach Emerson Barandoc.

Unang tagisan sa ganap na ika-9 ng umaga ay sa pagitan ng Lady Falcons at National University sa pagbubukas ng kanilang serye sa softball.

Dahil sa 12-0 sweep, ang Lady Falcons ay may thrice-to-beat sa Lady Bulldogs na nakapasok sa championship round nang kunin ang 5-3 panalo sa UST sa knockout game noong Linggo.

Samantala, mainitang pinaglalabanan ng mga matitikas na spikers na sina Alyssa Valdez ng Ateneo at Dindin Santiago ng National University ang MVP sa women’s volleyball.

Si Valdez ang number one scorer ng liga sa 287 puntos mula sa 241 spikes, 25 aces at 21 blocks habang ang 6’1” na si Santiago ay nasa ikalawa sa scoring sa 250 puntos mula sa 195 spikes, 28 blocks at 27 aces.

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

DINDIN SANTIAGO

EMERSON BARANDOC

GAME THREE

GAME TWO

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with