^

PSN Palaro

25 bansa susuntok sa ASBC Youth tilt

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 25 bansa ang mag­­tatagisan sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship na gagawin sa Subic Gym mula Marso 10 hanggang 17.

Ito na ang pinakama­laking international hosting ng bansa sa pamumuno ni ABAP president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan at mangu­nguna sa mga dayuhan ang malalakas na koponan ng China, dating kasamang bansa sa Soviet Republicks at mga Middle East countries katulad ng Syria.

“This is fast becoming a logistical challenge but we are meeting it head-on,” wika ni Vargas.

Ang Pilipinas ang inaasahang magkakaroon ng pinakamaraming bilang ng kalahok habang ang iba pang sasaling bansa ay ang Kazakhstan, Mongolia, Macau, Jordan, Kyrgyzs­tan, Chinese Taipei, Turkmenistan, Iran, Vietnam, Uzbelistan, Japan, Malaysia, Hong Kong, Indonesia, Singapore, Iraq, Sri Lanka, Pakistan at Bangladesh.

Handang harapin ng ABAP ang hamon na ma­tagumpay na hosting dahil bukod sa suporta ni MVP, ang Asian Boxing Confederation at International Boxing Assocoation (AIBA) ay handa ring tumulong.

Bukod sa pagsuporta, darating din ang mga matataas na opisyales ng dalawang nirerespetong international  bodies sa pa­ngunguna ni  AIBA president Dr. Ching Kuo Wu at ASBC head Gofur Rakhimov.

Nauna nang nagsagawa ng ocular inspection sa pasilidad ang AIBA na kinatawan ni technical delegate Nieva Tesoro-Embuldeniya, isang Filipina na nagtapos sa UST, at ang ASBC executive director Aziz Kozhambetov.

 

ANG PILIPINAS

ASIAN BOXING CONFEDERATION

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIP

AZIZ KOZHAMBETOV

CHINESE TAIPEI

DR. CHING KUO WU

GOFUR RAKHIMOV

HONG KONG

INTERNATIONAL BOXING ASSOCOATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with