^

PSN Palaro

Chiefs palalakasin ng 2 Fil-Canadians

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang  napipintong pagla­laro ng  6’1  Fil-Canadian na si Al Serjue sa Arellano University ang magpapatatag sa laban ng koponan sa papasok na NCAA men’s basketball season.

Si Serjue ay dapat nag­ l­aro na sa Chiefs sa nagdaang season pero minalas na nagkaroon ng ACL injury habang naglalalaro sa off-season ilang linggo bago nagbukas ang 88th NCAA season.

Nauna nang nakita ang husay nitong umiskor upang magkaroon ng dalawang pangil si coach Koy Banal sa pag-atake sa depensa ng kalaban.

Ang isa ay si James Forrester na nakitaan ng gilas sa nakaraang season.

“Maglalaro siya this sea­son,” wika ni Banal kay  Serjue na noong high school player ay ilang beses na umiskor ng mahigit na 40 puntos sa nilalaruang liga.

Bukod sa dalawang Fil-Canadian, aasa rin ang koponan sa paghusay ng guard na si John Pinto habang ang 6’2” na si Larry Malanday na dating nag­laro sa National University sa UAAP sa loob ng dalawang taon, ay masasabak na rin sa aksyon.

Tulad ni Serjue, si Ma­landay ay hindi rin nasama sa nagdaang season dahil sa tinamo ring ACL injury.

Sa pagkakaroon ng mas malakas na line-up, ang mga panatiko ng Chiefs ay umaasang mas ma­giging palaban ang koponan at posibleng tumapak din sa Final Four.

Ngunit ayaw magbigay muna ng prediksyon si Banal at hiniling na bigyan muna ng panahon ang koponan na mahinog.

“Ang goal ay makapa­sok sa semis at manalo rin ng titulo. Pero para mang­yari ito, dapat na matu­tu­­nan ng mga players ang ipinaiiral na sistema na ma­ngangailangan ng panahon,” ani Banal na champion coach sa NCAA, UAAP at mga commercial leagues.

 

vuukle comment

AL SERJUE

ARELLANO UNIVERSITY

FIL-CANADIAN

FINAL FOUR

JAMES FORRESTER

JOHN PINTO

KOY BANAL

LARRY MALANDAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with