Texters may panalo na, pinigil ang Express
Laro Ngayon
(Puerto Princesa, Palawan)
6:30 p.m. Rain or Shine vs Meralco
MANILA, Philippines - Nalagpasan ng Tropang Texters ang pagbaÂngon ng Express mula sa isang 22-point deficit at ang pagratsada ni Niño ‘KG’ Canaleta sa fourth quarter para maiwasan ang pagkakalasap sa kanilang ikalawang sunod na kabiguan.
Sumandig ang Talk ‘N Text kay import Keith Benson sa huling minuto ng final canto para talunin ang Air21, 86-83, sa elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot si Benson ng 30 points at 18 rebounds para sa panalo ng Tropang Texters, isang three-time PBA Philippine Cup champions.
May 1-1 record ngayon ang Talk ‘N Text katabla ang Air21, Meralco at Globalport sa ilalim ng Barako Bull (2-0) at Alaska (2-0).
Itinayo ng Tropang Texters ang isang 22-point lead, 68-46, sa 2:48 ng third quarter mula sa isang three-point shot ni Ranidel De Ocampo para isara ang nasabing yugto bitbit ang 72-51 bentahe.
Nagpakawala ang Express ng isang 26-6 atake na tinampukan ng anim na three-point shots ni Canaleta para idikit ang laro sa 77-78 agwat sa 3:07 ng final canto.
Huling nakalapit ang Air21 sa 83-85 buhat sa basket ni Mike Cortez sa 19.6 segundo kasunod ang split ni Jared Dillinger para sa 86-83 kalamangan ng Talk ‘N Text sa natitirang 16.2 segundo.
Napreserba ng Tropang Texters ang kanilang unang panalo sa torneo nang tumalbog ang tangkang tres ni Express’ guard Bonbon Custodio sa pagtunog ng final buzzer.
- Latest