Back-to-back sa Lady Altas tinalo ang Lady Stags para sa NCAA Women’s Title
MANILA, Philippines - Ibang serve game ang nakita sa nagdedepensang kampeong Perpetual Help para ang inakalang dikitang laro ay nauwi sa 25-19, 25-17, 25-16, panalo sa San Sebastian sa ikatlo at huling laro sa NCAA women’s vollÂeyball finals na ginawa kahapon ng umaga sa The Arena sa San Juan City.
May anim na service aces si Sandra Delos Santos para pangunahan ang 13-0 bentahe sa nasabing departamento ng Lady Altas na nakumpleto ang pagbangon mula sa 0-1 iskor sa best-of-three finals series.
Tumapos si Delos Santos taglay ang 12 puntos habang si Honey Royse Tubino at April Sartin ay mayroong 17 at 15 puntos.
Nagsanib sina Tubino at Sartin sa 26 kills para ibigay sa Lady Altas ang 39-27 kalamangan sa attacks habang may tatlong blocks si Tubino at higit ito ng isa sa kabuuang blocks na ginawa ng Lady Stags.
Tanging si Gretchel SolÂtones lamang ang palaban sa San Sebastian sa ibinigay na 15 hits ngunit ang sumunod na kumamada ay si Czarina Berbano na may limang puntos lamang para mapadali ang pagbagsak sa larong inabot lamang ng isang oras at 14 minuto.
“Puso ng isang kamÂpeon ang kanilang ipinakita. Hindi sila bumigay kahit nakauna ang kalaban,†wika ng bagitong headcoach na si Jason Sapin.
Si Diaz na naghatid ng 12 hits average sa tatlong laro ang siyang hinirang bilang MVP sa taong ito.
Ito ang ikalawang NCAA women’s volleyball title ng Perpetual Help at tinapos nila ang season bitbit ang dalawang titulo matapos dominahin din ng Altas ang men’s division.
- Latest