^

PSN Palaro

Wagdoz ibinigay ang unang ginto ng Agusan; Calabarzon swimmers nagpasikat agad

Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Philippines --Isang anak ng titser mula sa Agusan del Sur ang kumuha ng unang gintong medalya sa PRISAA National Colle­giate Games.

Bumandera si Sonny Wagdoz sa men’s 5000-meter run, samantalang apat na ginto naman ang inangkin ng mga Calabarzon swimmers.

Nagtala ang 18-anyos na si Wagdoz ng oras  na15 minuto at 46.9 segundo para sa panalo ng Davao Region sa Narciso Ramos Sports and Civic Center.

“Takbo takbo lang po, at diskarte… Mahaba rin yon takbuhin, diniskartihan na lang po,” sabi ni Wagdoz, isang second year crimino­logy student sa University of Mindanao, matapos talunin ang kanyang kakamping si Antnony Nerza (15:48.9).

Sinikwat naman ng host Region 1 (Ilocos Region) ang ginto sa pamamagitan ni Debby Habon, isang education student sa Virgen Milagrosa University, sa women’s long jump mula sa kanyang lundag na 5.23 meter.

Sa swimming, apat na ginto ang nilangoy nina Calabarzon tankers Rizaljun Jurado, Jerome Magal­lanes, Jaydee Rose Dalay at John Henry Calma sa Dagupan City Poolsite.

Naglista si Jurado ng bilis na 2:10.74 para pa­munuan ang men’s 200-meter freestyle, habang namayani si Magal­lanes sa men’s 100-meter breastroke sa kanyang 1:12.59 at nagreyna si Dalay sa women’s 100-m breastroke sa 1:26.94.

Nanguna naman si Cal­ma sa men’s 200-m butterfly.

 

ANTNONY NERZA

CALABARZON

DAGUPAN CITY POOLSITE

DAVAO REGION

DEBBY HABON

ILOCOS REGION

JAYDEE ROSE DALAY

JEROME MAGAL

JOHN HENRY CALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with