^

PSN Palaro

Lady Falcons humataw ng playoff

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuha ng Adamson ang huling dalawang sets pa­tungo sa kanilang 22-25, 25-17, 15-25, 25-18, 15-13 panalo kontra sa FEU at kunin ang playoff seat sa UAAP women’s volleyball Final Four kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Sheila Pineda ay may 20 puntos at siya ang kumu­ha ng dalawang mahahalagang puntos para maisan­tabi ang 13-12 kalamangan ng Lady Tamaraws.

Ang kill ni Pineda na na­sundan ng isang service ace ang nagtulak sa Lady Falcons sa matchpoint.

Tinapos ni Luisa Zapanta ang larong tumagal ng isang oras at 58 minuto mula sa kanyang atake.

May 14 kills sina Pineda at Zapanta at ang huli ay tumapos bitbit ang 16 puntos, habang si Faye Janelle Guevara ay na may 10 puntos para sa Adamson (8-4).

Ito rin ang ikatlong sunod na panalo ng Lady Falcons para dumikit sa Ateneo Lady Eagles (9-4).

May 19 kills, 2 blocks at 3 service aces para sa kanyang 24 puntos si Rosemarie Vargas para sa FEU na kasalo ngayon sa National University sa 6-6 karta.

Kailangang maipanalo ng Lady Tamaraws ang na­lalabing dalawang laro at uma­sang hindi lumampas ng walong panalo ang alinman sa Adamson o UST (7-5) upang magkaroon ng playoff.

Winakasan ng UP ang 11-game losing streak sa pamamagitan ng 14-25, 19-25, 25-20, 25-23, 15-12 tagumpay sa UE.

May 2-11 record ang Lady Maroons, habang lu­masap ang Lady Warriors ng kanilang ika-13 sunod na ka­biguan.

 

ADAMSON

ATENEO LADY EAGLES

FAYE JANELLE GUEVARA

FINAL FOUR

LADY

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with