^

PSN Palaro

Sa pagpondo sa continental cycling team na lalahok sa mga UCI events: MVP, Araneta nagsanib puwersa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatambal ang MVP Sports Foundation sa pangunguna ni Manny V. Pa­ngilinan at LBC Express, Inc. sa pamumuno ni Fernando Araneta sa pagpondo ng continental cycling team na lalaro sa mga UCI events.

Ang aksyon ay ginawa matapos bigyan ng pagkilala ng UCI ang under-23 team na nakilala bilang PLDT-Spyder, bilang continental team ng Pilipinas.

Ang mga kasapi ng koponan ay sina Ronald Oranza, pumangatlo sa individual category, Rustom Lim, El Joshua Carino, Jemico Brioso, Elmer Navarrio, Denver Casayuran, Francis Ramos at John Rene Mier na mga siklistang edad 23-anyos pababa.

Ang koponan ay hawak ni American coach Chris Allison at tumapos din ang koponan sa ikatlong puwesto.

Makikilala ang koponan bilang LBC-MVPSF Pilipinas at nakatakdang lu­mahok sa bikathon sa ibang bansa tulad ng Jelajah Malaysia race, Tour of  Thailand, Tour of East Java sa Indonesia, Tour of Brunei at sa Asian Cycling Championships sa India.

“We are happy to announce  that team LBC-MVPSF Pilipinas has secured its UCI continental status to represent the Philippines in UCI-sanctioned events. The challenge is to prove that we belong with the best in Asia and win in this region before we move on to the world stage,” wika ni Araneta.

Bagamat solido ang kasapi ng koponan, sinabi naman ni Allison na maghahanap pa sila ng mga bata at mahuhusay na siklista na sumali sa nagdaang Ronda para palakihin ang bilang ng siklistang puwedeng asahan kapag ang koponan ay lumabas na ng bansa.

  Ang end-result ng pagkampanya sa labas ng bansa ay ang makita ang isang Pinoy rider na makapasok sa de-kalibreng pakarera sa mundo tulad ng Tour de France.

 

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

CHRIS ALLISON

DENVER CASAYURAN

EL JOSHUA CARINO

ELMER NAVARRIO

FERNANDO ARANETA

FRANCIS RAMOS

JELAJAH MALAYSIA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with