Sports seminar ni Bryant tagumpay
MANILA, Philippines - Kontento ang mga duÂmalo sa apat na araw na Sports Science Seminar sa Physical Conditioning na hinawakan ni Milo Bryant ng US at ginawa sa Philsports Arena sa Pasig City.
Umabot sa 350 ang coaches na nagmula sa iba’t-ibang national teams bukod sa kinatawan ng mga Local Government Units (LGUs) at Department of Education (DepEd) ang dumalo sa seminar na kung saan tinalakay ni Bryant ang tamang galaw at pag-analisa sa fitness level ng isang atleta.
“Very refreshing,†wika ni Rolando Brillantes na dating director ng Bureau of Physical Education for School Sports (BPESS) at ngayon ay nagtuturo sa Bulacan State University.
Noong Martes nagsiÂmula ang seminar at natuwa si Bryant sa interes na nakita sa mga dumalo.
“Natuwa si Milo sa maÂgandang pagtugon ng mga dumalo. Nakita sa kanila ang interes sa kanyang mga itinuturo at nag-e-enjoy sa mga ipinapagawa niya,†wika ni PSC chairman Ricardo Garcia na ang ahensya ang nagsusog para gawin ang seminar katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC) at suportado ng Bala 8Houor Energy Shot.
Sisikapin din ng PSC na makapag-imbita pa ng mga dayuhang speaker upang masundan ang mga itinuro ni Bryant.
Hanggang Lunes (PebÂrero 11) mananatili si Bryant sa bansa bago tumulak patungong Brunei.
- Latest