Alas ‘di na maglalaro sa Letran
MANILA, Philippines - Hindi na maglalaro si Kevin Alas sa kanyang pang lima at huling taon para sa Letran Knights sa darating na 89th season ng NCAA.
Sinabi kahapon ni Alas, anak ni dating Letran head coach Louie Alas at ngaÂyon ay assistant sa Alaska Aces sa PBA, na tututukan niya ang kanyang pagsasanay para sa cadet team ng Gilas Pilipinas II.
Kasama ang kanyang ama, ipinagbigay-alam ni Alas ang kanyang desisyon kay Season 88 NCAA at Letran president-rector Fr. Tamerlane Lana, OP.
“I want to concentrate on the national team and I also want to give way to younger, equally talented players at Letran,†sabi ni Alas, kinilalang Finals MVP ng nakaraang Hong Kongtournament kung saan nagkampeon ang Gilas.
“It was a tough decision for me but I really want to give my full commitment to national team duties,†dagdag pa ni Alas.
Si Louie naman ay papalitan ni Caloy Garcia, isang dating PBA coach, para sa Knights simula sa 89th NCAA season.
- Latest