Tunacao magtatangka sa ika-2 titulo vs Japanese boxer
MANILA, Philippines - Pitong Filino boxers pa lamang ang nakaukit sa talaan bilang mga naÂging world champions sa dalawang magkakaibang dibisyon.
Ang mga ito ay sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr., Brian Viloria, ang magkapatid na sina Gerry at Dodie Boy PeñaÂlosa, Donnie Nietes at LuiÂsito Espinosa.
Ang talaan ay posibleng madagdagan sa Abril 8 sa katauhan ni Malcolm Tunacao na babanggain ang WBC bantamweight champion na si Shinsuke Yamanaka ng Japan
Gagawin ang labanan sa Kokugikan, Tokyo at si Tunacao ay magtatangka na makatikim uli ng world title na unang nangyari noong Mayo 19, 2000 nang talunin sa pamamagitan ng seÂventh round KO si Medgeon Singsurat ng Thailand.
“Hindi na ako bumabatÂa at maaaring hindi na maÂbigyan ng ganitong pagkakataon kaya mataas ang morale ko sa laban,†wika ni Tunacao na naisuko ang hawak na titulo kay Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand din noong Marso 2, 2001.
Hindi naman maninibago si Tunacao sa laban na gagawin sa Japan dahil ikalawang tahanan na niya ito kasunod ng Pilipinas.
Alam din niya ang ikiniÂkilos ni Yamanaka dahil minsan na siyang umakto bilang sparmate nito kaya’t may idea siya kung paano lalaban ang 30-anyos na kampeon na may ring record na 17 panalo sa 19 laban kasama ang 12KO.
Kinuha niya ang bakanteng titulo nang talunin si Christian Esquivel ng MeÂxico bago naidepensa ang kampeonato kontra kina Vic Darchinyan at Tomas Rojas noong nakaraang taon.
Ang 35-anyos na si Tunacao na mayroong 32 panalo sa 37 laban at 20KOs ay nanalo kay Esquivel sa isang WBC eliminator para makuha ang karapatang lumaban sa titulo.
- Latest