Zheng malabo pang maging Pinay
MANILA, Philippines - Nalagay uli sa balag ng alanganin ang hangarin ng national women’s team na gawing Pinay ang Chinese player na si Zheng Xiaojing.
Sa panayam kay naÂtioÂnal women’s coach Haydee Ong kanyang ibinulalas na nagkaaberya ang inaasahang madaling paglusot sa Senado ng House Bill 2683.
“Second reading na sana ito pero hindi na-tackle dahil may question si Senator Jinggoy Estrada,†wika ni Ong na nalungkot sa pangyayari.
“Tatlong taon na namin itong itinutulak pero hirap lumusot. Buti pa si Marcus (Douthit), ilang buwan lamang ay ayos na,†ani pa ni Ong.
Nasa Senado na ang isinusulong na batas na nagnanais na bigyan ng Philippine Citizenship si Zheng upang lumakas ang laban ng bansa sa women’s basketball sa Asian region.
Dahil sa pagkakaroon ng aberya, maaaring sa Hunyo na matatalakay ang bagay na ito dahil tiyak na magiging abala ang mga Senador sa magaganap na eleksyon sa Mayo.
Ang pagpasok sana ni Zheng sa Pambansang koponan ang magpapalakas sa hanap na kampeonato ng bansa sa 27th SEA Games sa Myanmar mula Disyembre 11 hanggang 22.
Tuloy pa rin ang pagsasanay ng national cage belles at sisikaping hanapan ng solusyon ang kakulangan ng malaking manlalaro para magtagumpay sa SEAG.
Pumangalawa ang bansa sa 2011 Indonesia SEAG matapos lumasap ng pagkatalo sa overtime sa Thailand.
- Latest