Azkals-Myanmar magkakasukatan
MANILA, Philippines - Tambalan ng bata at beÂterano ang ilalaban ng Philippine Azkals sa Myanmar sa gagawing FIFA International Friendly, Game sa Yangon bukas ng gabi.
Tinapik mula sa mga Fil-foreigners ang goal keeper na si Neil Etheridge bukod pa kina Rob Gier at Manny Ott at sinahog sa kanila ang mga manlalarong sumailalim sa tatlong araw na camp para ihanda ang mga ito sa dalawang malalaking torneo na lalahukan ng bansa sa taon.
Ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband ay kasama bukod pa sa team skipper na si Emelio “Chieffy†Caligdong habang ang mga bata ay pangungunahan ng magkapatid na sina Marvin at Marwin Angeles, Nestorio Margarse Jr., OJ Porteria at Matt Uy.
Sina Jeffrey Christians, Ian Araneta, Ref Cuaresma, Jason De Jong, Roel Gener, Chris Greatwich, Patrick Reichelt at Ed SaÂcapano ang kukumpleto sa 19 na manlalaro na hahawakan ni German coach Hans Michael Weiss.
Ito ang unang laro ng Azkals sa taon at hanap ng koponan na maulit ang 2-0 panalo na nakuha sa Myanmar sa AFF Suzuki Cup noong Nobyembre.
Gagamitin din ng bansa ang tagisan na sisimulan sa ganap na alas-6:30 ng gabi sa Pilipinas, bilang bahagi ng preparasyon para sa AFC Challenge Cup 2014 Qualifier sa Rizal Memorial Football Field mula Marso 22 hanggang 26 at sa 27th SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.
Seryoso naman ang home team na maipanalo ang laro matapos kumuha si South Korean coach Park Sung Hwa ng 25 maÂnlalaro na karamihan ay beterano ng Suzuki Cup.
- Latest