Orcollo tinumbok ang korona sa Derby City Classic
MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Dennis Orcollo na madiskaril ang unang torneo na kanyang nilahukan sa 2013 nang makapag-uwi siya ng titulo sa 15th Annual Derby City Classic na natapos noong Linggo sa Horseshoe Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana, USA.
Iba’t-ibang laro ang bumubuo sa Derby City Classic at si Orcollo ay kuminang sa Big Foot 10-Ball ChalÂlenge para makapag-uwi ng $20,000.00 ganÂtimpala.
Ang bilyaristang tubong Bislig, Surigao del Sur ay nangibabaw kay Niels Feijen ng Holland sa finals sa 11-9 iskor para bigyan ang sarili ng magandang regalo matapos iselebra ang kanyang ika-34 kaarawan noong Enero 28.
Nagkaroon naman ng pakonsuwelong $10,000.00 premyo si Feijen na nagdiwang din ng kanyang ika-36 kaÂarawan noong Pebrero 3.
Nalagay naman sa ikatlo at apat na puwesto sina Johnny Archer ng US at Ronnie Alcano ng Pilipinas para sa gantimpalang tig-$5,000.00.
Taong 2011 nang huling nakatikim ng panalo si Orcollo upang magsilbing magandang buena-mano sa gagawing kampanya sa taong ito.
Nanalo si Orcollo sa Derby Classic 9-ball division noong 2011, ang taon na kinilala ang Pinoy pool wizard bilang World Pool Assocoation (WPA) Player of the Year.
Kuminang kasama ni Orcollo ang mga kababayan nitong sina Francisco Bustamante at Alex Pagulayan.
Si Bustamante ang humataw nang husto dahil siya ang nanalo bilang Master of the Table nang manalo sa Banks at pumangalawa sa One-Pocket event.
- Latest