^

PSN Palaro

Pressure kay Racela

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Tapos na marahil ang m adjustment period ni Olsen Racela sa Petron Blaze at looking forward siya sa isang mas matagumpay na PBA Commissioners Cup.

 Kasi nga, para sa isang bagong coach, masama ang naging debut niya sa Philippine Basketball Association lalo’t ang koponang ipinahawak sa kanya ay itinuring na isang powerhouse squad.

Bago nagsimula ang 38th season ng PBA ay ma­rami ang nagsabing ang Petron Blaze ay isa sa team to beat. Yun pala’y team beaten at bitin na bitin ang performance ng Boosters.

Well, hindi naman maisisi lahat kay Racela ang nangyari.

Sa totoo lang, sa simula pa lang ay kulang na kaagad ang preparasyon ni Racela at ng Boosters.

 E, noong nahirang siyang head coach ay wala siya sa bansa dahil hawak niya ang RP junior at nasa international competition sila. Katunayan, wala siya noong Draft Day kung saan kinuha ng Petron bilang top pick overall ang higanteng sentrong si June Mar Fajardo. At pagkatapos ay kinuha nila bilang No. 3 si Alex Mallari.

 Of course, ang mga selections na ito ay pinag-usa­pan na nila bago pa man dumating ang draft day. At inilagay nga ng management sa kanyang tabi bilang consultant o assistant coach ang dating national mentor na si Rajko Toroman.

So, ang buong akala ng karamihan ay matibay na matibay ang bagong coaching staff ng Boosters.

Hindi lalangoy nang mag-isa o malulunod si Racela sa kanyang initial tournament. kasi nga’y beterano ang aagapay sa kanya.

Pero hindi ganoon kasimple ang mga pangyayari.

Parang nagkaroon pa ng power play kung saan imbes na magbigay lang ng suggestions si Toroman ay siya pa ang talagang umaastang head coach sa simula ng Philipine Cup.

At dahil sa power struggle na ito ay naguluhan din ang mga players ng Petron.

Nang maayos ang gusot at nawala si Toroman, nagkasunud-sunod naman ang injuries sa key players. Tinamaan si Fajardo at ang mga big men na sina Danilo Ildefonso at Dorian Peña.

Hayun, imbes na makaahon, lalong nalubog ang Petron at nagtapos sa ikapitong puwesto sa elimination round. Nakalaban ng Boosters ang SanMig Coffee na may twice-to--beat advantage sa quarterfinals.        

Hindi na nakaporma ang Petron dahil sa unang pagkikita pa lang nila ay nanaig na kaagad ang San Mig Coffee. Kaya naman hindi pa dumarating ang Pasko ay nagbakasyon na sina Racela.

“Frustrating. Kasi nga, seventh place lang kami and we were expected to finish higher,” ani Racela. “Pero marami ngang naging problema kaya nagkaganoon. We lerned our lesson. We gained a lot of experience. And may be that will help us in the Commissioners Cup.”

Nayon ay sapat na ang panahong naibuhos ni Ra­cela upang paghandaan ang Commissioners Cup. Hindi na niya hahayaang maging masagwa ang kanilang simula. Kung mananatiling healthy ang kan­yang line-up, malamang na matugunan niya ang expectations ng mga fans.

 At dahil sa nakuha nila ang pinakamahusay na import na si Renaldo Balkman, mas lumakas ang Boosters.

 Pero siyempre, mas tumindi ang pressure sa balikat ni Racela.

 Kailangang kayanin niya iyon at huwag makuba sa bigat!

ALEX MALLARI

COMMISSIONERS CUP

DANILO ILDEFONSO

DORIAN PE

PERO

PETRON

PETRON BLAZE

RACELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with