^

PSN Palaro

Tiyuhin ni Mayweather gustong matuloy na ang laban kay Pacquiao

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangunguna ang tiyuhin ng walang talong si Floyd Mayweather Jr. na si Roger Mayweather sa mga naniniwala na dapat na magkrus ang landas ng pamangkin at ni Filipino boxing pride Manny Pacquiao.

Matibay ang paniniwala ng nakatatandang Mayweather na magiging makasay­sayan pa rin ang labanang ito kahit ma­ra­mi na ang nangyari lalo na sa boxing career ni Pacquiao.

Matatandaan na lumasap ng di inaa­sahang sixth round knockout na pagkatalo si Pacquiao sa kamay ni Juan Manuel Mar­quez noong  nakaraang Disyembre.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Pacquiao sa taong 2012 matapos ang split decision na kabiguan kay Timothy Bradley noong Hunyo para mahubad ang dating hawak na WBO welterweight title.

“The Pacquiao fight has to happen with Floyd,” paggigiit ni  Roger sa BoxingScene.com.

“People want to see it. People don’t care whether he got knocked out. Floyd will  knock him out and that’s the fight they want to see,” dagdag pa ng nakatatandang Mayweather.

Tatlong taon ng sinikap na buuin ang mega fight na ito pero nauudlot ito ng mga usapin sa drug testing at  sa kikitain sa laban.

Nabawasan ang usapin dito nang pu­mayag si Pacquiao sa kagustuhan ni Floyd na walang limitasyon sa drug tes­ting at ang pagsang-ayon ni Pacman na tumanggap ng mas maliit na kita.

Malabo naman na mangyari ang iti­nutulak na laban sa taong ito dahil si May­weather ay balak isagupa kay Saul Canelo Alvarez habang si Pacquiao ay naka­takdang bumalik sa huling quarter ng taon para harapin sa ikalimang pagka­kataon si Marquez.

 

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

JUAN MANUEL MAR

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROGER MAYWEATHER

SAUL CANELO ALVAREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with