^

PSN Palaro

Stoudemire bumandera sa panalo ng Knicks

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Umiskor si Amare Stoudemire ng 21 points mula sa kanyang 10-for-10 fieldgoals at nag­lunsad naman ang New York ng isang 38-4 atake sa first half para talunin ang Sacramento, 120-81, noong Sabado ng gabi.

Ito ang pang apat na sunod na panalo ng Knicks.

Iniwanan ng Kings ang Knicks ng 10 puntos nang pumasok si Stoudemire sa first quarter.

Dahil sa kanyang knee surgery, hindi nakita sa 30 laro ng New York si Stoudemire, isang dating  All-Star.

Sa harap ng kanilang espesyal na panauhing mga 150 estudyante mula sa Sandy Hook Elementary School, hindi na halos kinailangan ng New York ang kanilang leading scorer na si Carmelo Anthony.

Tumipa si Anthony ng season low 9 points at natapos ang kanyang magkakasunod na 20-point games sa 31, ang pinakamahabang single-season streak sa franchise history.

Umiskor si J.R. Smith ng 25 points at may 15 si Steve Novak para sa  Knicks na nagsalpak ng 19 3-pointers.

Humakot naman si Tyson Chandler ng 11 points at 20 rebounds para ma­ging unang Knicks player na nagtala ng magkakasunod na 20-board games matapos si Marcus Camby noong Disyembre 8 at 11, 2001.

AMARE STOUDEMIRE

CARMELO ANTHONY

MARCUS CAMBY

NEW YORK

SANDY HOOK ELEMENTARY SCHOOL

STEVE NOVAK

STOUDEMIRE

TYSON CHANDLER

UMISKOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with