Mahuhusay na motocross riders magpapasiklaban
MANILA, Philippines - Magkakasukatan uli ang mga mahuhusay na motorcycle riders sa PebÂrero 10 sa pagsisimula ng National Motocross Development Program na handog ng NAMSSA sa Speedworld MX Circuit sa SM Bicutan, Parañaque City.
Paglalabanan ng mga sasali ang 15 championship events at kasama sa lalahok ay ang mga riders na bubuo sa Philippine Motocross Team na maglalaro sa 2013 FIM Asia Motocross Supercross Championship na gagawin sa Puerto PrinÂcesa City sa Marso 21-24.
Ang NAMSSA ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na siyang mangangasiwa sa motorcycle sports at ang asosasyon ay kasapi rin ng Federation Internationale de Motocyclisme, na world body sa motorcycle sports.
Matapos ang karerang ito, sunod na gagawin ay ang 2013 Repsol Road Racing Championship (National Street Race Development Program) sa Parang, Marikina City sa Pebrero 17.
Ang registration sa karera sa SM Bicutan ay gagawin mula alas-7 ng umaga bago sundan ng practice sessions at rider’s briefing.
Ang tagisan ay gagawin mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon at ang awarding ceremony ay isusunod matapos ang karera.
- Latest