‘Big 3’ ng Knicks gumana, Magic giba
NEW YORK--Nasilip na ng New York Knicks ang lakas ng kanilang front line na binubuo nina Carmelo Anthony, Amare StoudeÂmire at Tyson Chandler.
Umiskor si Anthony ng 20 points para maglista ng team-record sa kanyang pang 30 sunod na 20-point game, at nagtumpok naman sina Chandler at Stoudemire ng pinagsamang 35 points mula sa kanilang 17-of-18 shooting para igiya ang Knicks sa 113-97 panalo kontra sa Orlando Magic.
Nagdomina ang nasaÂbing trio sa third quarter para ipalasap sa Orlando ang pang pitong sunod na kabiguan nito.
Tumapos naman si Chandler na may 21 points galing sa 10-of-11 fieldgoal shooting bukod pa ang 7 rebounds at season-high 5 assists.
Tumipa si JJ Redick ng 29 points at nagdagdag ng 21 si guard Jameer Nelson para sa Orlando.
Hindi na nakaporma sina Reddick at Nelson sa second half kung saan kinontrol ng Knicks ang laro.
Humakot naman si NiÂkola Vucevic ng 12 points at 11 rebounds para sa Magic.
- Latest