Nuggets isinalba ni Iguodala
DENVER -- Isinalpak ni Andre Iguodala ang kanyang free throw may 0.4 segundo na lang ang nalalabi sa laro matapos ang pagpuwersa niya ng turnover upang idiskaril ang huling segundong tira ng Indiana, ang nagbigay sa Nuggets ng 102-101 panalo laban sa Pacers noong Lunes sa NBA.
Tumapos si Iguodala ng 13 puntos, 10 rebounds at pitong assists, bukod pa sa paglatag niya ng malagkit na depensa nang kanyang agawan ng bola si Paul George kung saan nagmaniobra ang Pacers’ guard para sa huling tira.
Dito tumawag si Iguodala ng timeout may 0.5 segundo na lang sa laro. At sa inbound, nagbigay si Andre Miller ng mataas na pasa patungo sa basket kung saan nag-aabang sina Iguodala at George at dito na nakahugot ng foul ang manlalaro ng Nuggets kay George.
Matapos sumablay ang naunang apat na free throws sa final quarter, maÂlamig na isinalpak ni Iguodala ang panablang charity bago iminintis ang ikalawa kasabay ng pagtunog ng buzzer para sa selyuhan ang panalo.
Sa Philadelphia, umiskor si Marc Gasol ng season-high 27 puntos upang igiya ang Memphis sa 103-100 panalo laban sa 76ers.
Sa iba pang laro, tinalo ng Houston Rockets ang Utah Jazz, 125-80; hiniya ng Sacramento Kings ang Washington Wizards, 96-94 at pinayukod ng Chicago Bulls ang Charlotte Bobcats, 93-85.
- Latest