Magkakaalaman ngayon sa akyatan
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines --Mula sa araw na ito, tanging mga matitikas na siklista ang inaasahang luÂluÂtang upang madetermina kung sino ang dapat na kilalanin bilang hari ng Ronda Pilipinas.
Ang 81-siklistang palaban pa ay masusukat sa pagÂlarga ng 133.5-km Bayombong, Nueva Vizcaya hanggang Baguio City na Stage 14 na maghihiwalay sa mga seryoso at nagpapanggap na siklista.
Si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ang nangunguna sa overall at ang 20-anyos na Pangasinense ay may 47 oras, 20 minuto at 14 segundo.
Ngunit nakatutok pa sina Santy Barnachea ng Navy-Standard at Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl na parehong kilala bilang mga mountain climbers.
Tatlong segundo lamang ang layo ni Barnachea kay Oranza sa 47:20:17 habang 33 segundo ang pagitan ng nangunguna kay Valenzuela na mayroong 47:20:47 kabuuang oras.
“Bukas (ngayon) talaga ang simula ng karera. Matira ang matibay,†wika ni Valenzuela na nais na higitan ang pangalawang puwestong pagtatapos noong nakaraang edisyon.
“Sabi nila, ako raw ang pinakamalakas na mountain climber pero tignan muna natin kung ano ang mangyayari. Basta malalaman natin bukas,†dagdag ni Valenzuela.
Apat na KOM ang dadaanan sa rutang ito kaya’t tiyak na kakain ng oras ang mga naghahabol lalo na kung bibigay sa hirap si Oranza.
“Bahala na bukas,†matipid na tugon ni Oranza.
- Latest