^

PSN Palaro

Mga import na magpapasiklaban sa Commissioner’s Cup de-kalibre lahat

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matutuwa ang mga pa­natiko ng PBA dahil sa de-kalibre ang mga imports na mapapanood sa Commissioner’s Cup na magbubukas na sa Pebrero 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang magkakaisang tinuran ng mga deputy coaches na sina Patrick Fran ng Meralco Bolts, Ca­loy Garcia ng Rain or Shine, Gee Abanilla ng Petron Blaze at Koy Banal ng nagdedepensang San Mig Coffee na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

“Compared to last year, mas maganda ang quality ng imports sa taong ito. All the coaches scouted for the best possible imports that will fit their system,” wika ni Banal.

“The coaches did their homework since this is a short conference, teams must start strong at hindi puwedeng magpalit-palit ng import,” segunda ni Garcia.

Ang Elasto Painters ay sasandal sa 7’3 higanteng si  Bruno Sundov ng Croatia sa adhikaing maipasok ang koponan sa Finals sa ikatlong sunod na confe­rence.

“Dominating siya sa practice pero wala pa ka­ming mga tune-up games. He has a decent shot from the outside at may post play din. Mahina kami sa rebounding at sana matulungan niya kami rito,” dagdag ni Garcia.

Ang iba pang imports ay sina 6’10 Michael Dunigan ng Air21 Express, 6’9 Robert Dozier ng Alaska Aces, 6’9 Evan Brock ng Barako Bull, 6’10 Herbert Hill ng Barangay Ginebra San Miguel, 6’9 Eric Dawson ng Meralco Bolts, 6’10 Justin Williams ng Globalport, 6’8 Renaldo Balkman ng Petron Blaze Boosters, 6’11 Matt Rogers ng San Mig Coffee,  at 6’11 Keith Benson ng Talk N’Text.

Ang mata ay tiyak na ipa­paling sa San Mig Coffee na magtatangkang ma­idepensa ang titulong pinanalunan noong naka­raang taon gamit ang import na si Denzel Bowles.

Tinalo ng tropa ni coach Tim Cone ang Talk N’Text sa Game seven sa overtime at tampok na kaganapan sa laro ay ang dalawang free throws ni Bowles may 1.7 segundo upang magkaroon ng extention.

Naniniwala naman si Banal na nakita na ni coach Tim Cone na maglaro si Rogers kaya’t kinuha bilang kapalit ni Bowles na nagla­laro sa ibang liga.

Ang Tropang Texters, turo ng apat na assistant coaches ang isa pang ma­lakas na koponan lalo pa’t hanap nila ang ikalawang sunod na kampeonato sa season. 

Sa hanay ng mga imports, si Balkman ang lalabas bilang pinakamaliit sa 6’8 pero kumbinsido si Abanilla na hindi madedehado ang kanilang 28-anyos na import na beterano ng NBA mula 2006 hanggang 2012 sa mga koponan ng New York at Denver Nuggets.

Hindi pa nasa 100-percent ang kondisyon ni Balkman pero walang problema ito dahil makukuha niya ang tunay na porma sa paghaba ng liga. 

Si Balkman ay may NBA career average na 4 puntos at 3.5 rebounds sa 13.9 minutong paglalaro sa 221 games.

ALASKA ACES

ANG ELASTO PAINTERS

ANG TROPANG TEXTERS

GARCIA

MERALCO BOLTS

SAN MIG COFFEE

SHY

TALK N

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with