MANILA, Philippines - Nais ni Senator Francis “Chiz†Escudero na ilaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang naitabing pondo para igugol sa Rio de Janeiro Olympics sa 2016.
Naunang inanunsyo ng PSC sa pangunguna ni chairman Ricardo Garcia na halos kalahating bilÂyong piso ang naitabi ng ahensya sa nagdaang taon dulot ng pagtitipid sa mga gastusin.
“This is the first time the PSC is claiming savings of as much as this, half-a-billion pesos that does not need to be returned to the national treasury as it was saved from the agency’s corporate funds,†wika ni Escudero.
Ang Pilipinas ay naghahanda sa taong ito sa MyanÂmar SEA Games pero pinaalalahanan ni EsÂcudero na limitahan ang gastos dito at sa halip ay mas pagtuunan ang Olympics.
“While the SEA Games remain important in our sporting calendar, we should not take our focus away from the Olympics. It would do us best if we choose our priority Olympic events right away and give them funding aside from what they receive from the private sponsors,†dagdag ni Escudero na kilala sa hilig sa pagbaril at pag-bike.
Balak ng PSC na tusÂtuÂsan nang husto ang gaÂgaÂÂnaping Myanmar SEA Games na kung saan nais ni Garcia na targetin ang hindi bababa sa 80 ginto upang malagay sa unang tatlong puwesto.
Masidhi ang hangarin ng bansa na manalo sa SEA Games matapos lumagay sa pinakamasamang pang-anim na puwesto sa Indonesia noong 2011 bitbit ang 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals.
Ang Myanmar ang nasa ikapitong puwesto sa 16-27-37 at siyang sinasabi na magiging karibal ng bansa sa placing sa torneo.
Kasabay nito ay hinimok din ni Escudero ang Congress at national goÂvernment na patuloy na tuÂlungan ang PSC sa mahalagang pondo para patuloy na bumangon ang palakasan ng bansa.