SOLANO, Nueva VizÂcaya, Philippines --Winakasan ni George Oconer ang halos dalawang taon na walang lap win nang mapagharian ang 204.4-km Stage 13 na sinimulan sa Tuguegarao, Cagayan hanggang Solano, Nueva Vizcaya kahapon dito.
Kumaripas sa pagpedal si Oconer ng Navy-Standard sa huling 50-metro para maunahan sa meta si Junrey Navarro ng MindaÂnao-Cycle Line.
“Matagal-tagal din ako naghintay para manalo uli kaya masaya ako at nakaÂkuha uli ng lap,†wika ni Oconer na tulad ni Navarro ay naorasan ng apat na oras, 26 minuto at 45 segundo.
Nanatili naman sa overÂall si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder nang nakaÂsama ang iba pang bigating siklista na sama-samang tumawid sa meta bilang ikatlong grupo.
May kabuuang oras si Oranza na 47:20:14 upang iwanan ang mga naghahaÂbol na sina Santy Barnachea ng Navy-Standard, Irish Valenzuela ng LPGMA-Americn Vinyl at Ronald GoÂrantes ng Roadbike Phls sa 47:20:17, 47:20:47 at 47:21:25, ayon sa pagkakasunod.
Nakinabang naman ang Navy-Standard sa lakas ni Oconer dahil naagaw nila ang liderato sa team event sa PLDT-Spyder sa kaÂbuÂuang oras na 138:46:19.
Kapos ng 11 segundo ang dating lider sa 138:46:31 habang ang Roadbike Phl ang nasa ikatlo sa 138:51:49.
Ang iba pang pumaÂsok sa top 10 ay ang LPÂGÂMA-American Vinyl (138:59.17), Y101 FM-Cebu (139:05.57), Team Tarlac (139:11.43), VMobile-Smart (139:12.09), Mindanao-Cycleline Butuan (139:22.14), Hundred Islands-Pangasinan (139:58.18), Team Enrile (139:59.10), NCR-San Miguel (140:21.53) at Ilocos Sur-East Pangasinan (140:58.23).
Naaksidente naman si Jan Paul Morales ng Navy-Standard nang nahulog sa kanal sa pababang bahagi halos 20-kilometro bago ang finish line. Siya ay dinala sa ospital para lapatan ng lunas.
Pahinga ang karera ngayon para makapag-ipon ng lakas ang mga siklista sa pagharap sa pinakamahirap na ruta na 133.5-km BaÂyombong hanggang Baguio Stage 14 sa Miyerkules.