Rockets nagwagi sa Nets
HOUSTON -- Umiskor si James Harden ng 29 points, habang humakot si Chandler Parsons ng 16 points at career-high na 11 assists para tulungan ang Houston Rockets sa 119-106 paggupo sa Brooklyn Nets.
Ito ang pang-12 sunod na panalo ng Rockets sa Nets.
Nagdagdag naman si Omer Asik ng 20 points at 16 rebounds para sa Houston, tinalo ang Nets sa rebounding, 50-31.
Tumipa naman si Nets star Deron Williams ng 27 points, ngunit nanlamig maÂtapos magtala ng 20 marÂkers sa first quarter.
Napatalsik siya sa laro sa huling 1:07 matapos komÂprontahin si referee DaÂvid Jones.
Nag-ambag si Brook LoÂpez ng 21 points at may 13 si Joe Johnson para sa Brooklyn, nabaon sa isang 18-point deficit sa first half.
Nagposte ang Rockets ng 17 assists sa kanilang unang 20 field goals.
May 8 assists si Parsons sa first half.
“Our spacing was unbelievable,†ani Parsons. “It allowed more guys to peneÂtrate, it allowed more guys to have open shots and we moved the ball great.â€
- Latest
- Trending