TAGAYTAY CITY, Philippines -- MuÂling nakipag-draw si top-ranked Grandmaster Wesley So kasabay ng paÂÂkikikisalo sa kanya ni seÂÂcond seed Nguyen Ngoc TruÂong Son ng Vietnam sa sixth round ng Asian Zone 3.3 Championships dito sa Tagaytay International ConÂvention Center.
Pumayag sa draw ang 19-anyos na si So kay defending champion Susanto MeÂgaranto ng Indonesia maÂtapos ang 51 moves ng Slav defense sa torneo na nagsisilbing qualifying tourÂnament para sa World Cup sa Norway.
Dalawang tiket ang nakataya sa torneo, habang ang isa sa tatlong silya ay inuÂpuan na ni Oliver BarÂboÂsa.
Tinalo naman ni Ngoc TruÂong Son si Filipino Mark PaÂragua sa 28 moves ng Gruenfeld defense para makasalo si So sa liderato sa magkatulad nilang 5.0 points.
Binigo ni Joey Antonio si FM Gombosuren Munkhgal ng Mongolia sa 58 moves ng Nimzo-Indian defense para makuha ang solo third sa kanyang 4.5 points.
May 4-0 points sina MeÂgaranto, IM Bayarsaikhan GunÂdavaa, Darwin Laylo at mga Vietnamese na sina Cao Sang at Nguyen Duc Hoa.