^

PSN Palaro

Wesley muling nakipag-draw sa 6th round

TAGAYTAY CITY, Philippines  -- Mu­ling nakipag-draw si top-ranked Grandmaster Wesley So kasabay ng pa­­kikikisalo sa kanya ni se­­cond seed Nguyen Ngoc Tru­ong Son ng Vietnam sa sixth round ng Asian Zone 3.3 Championships dito sa Tagaytay International Con­vention Center.

Pumayag sa draw ang 19-anyos na si So kay defending champion Susanto Me­garanto ng Indonesia ma­tapos ang 51 moves ng Slav defense sa torneo na nagsisilbing qualifying tour­nament para sa World Cup sa Norway.

Dalawang tiket ang nakataya sa torneo, habang ang isa sa tatlong silya ay inu­puan na ni Oliver Bar­bo­sa.

Tinalo naman ni Ngoc Tru­ong Son si Filipino Mark Pa­ragua sa 28 moves ng Gruenfeld defense para makasalo si So sa liderato sa magkatulad nilang 5.0 points.

Binigo ni Joey Antonio si FM Gombosuren Munkhgal ng Mongolia sa 58 moves ng Nimzo-Indian defense para makuha ang solo third sa kanyang 4.5 points.

May 4-0 points sina Me­garanto, IM Bayarsaikhan Gun­davaa, Darwin Laylo at mga Vietnamese na sina Cao Sang at Nguyen Duc Hoa.

ASIAN ZONE

BAYARSAIKHAN GUN

CAO SANG

DARWIN LAYLO

FILIPINO MARK PA

GOMBOSUREN MUNKHGAL

GRANDMASTER WESLEY SO

JOEY ANTONIO

NGOC TRU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with