Gilas nagkampeon sa Hong Kong

MANILA, Philippines - Hinubaran ng Gilas Pilipinas ng korona ang Sou­thern California-Fukienese Association mula sa ka­nilang come-from-behind 81-77 win para angkinin ang 19th Super Kung Sheung Cup kagabi sa Queen Elizabeth Stadium sa Wanchai, Hong Kong.

Binanderahan nina cadet player Kevin Alas, PBA ca­ger Gary David natura­lized 6-foot-11 Marcus Douthit ang pagbangon ng Nationals patungo sa kanilang pagwalis sa eight-team tournament.

Si Niño Canaleta ang isa pang PBA player sa ko­­ponan.

Hinirang si Alas, anak ni Alaska assistant coach Louie Alas at star player ng Letran Knights sa NCAA, bilang Most Valuable Pla­yer.

Nauna nang tumapos ang Gilas, kinabilangan ng mga cadet cagers, bilang ika­anim sa 24th Dubai In­vitational basketball tourna­ment.

“YES! Big hope 4 d future :),” sabi ni coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account @coachot matapos ang kanilang panalo.

Nagkampeon din ang Gilas Pilipinas, binuo ng mga PBA players, sa 34th William Jones Cup basket­ball tournament kung saan nila tinalo ang USA sa Taipei noong 2012.

Show comments