TUGUEGARAO CITY, Philippines — Hindi naging maganda ang pagkakahubad ng overall individual at team leadership sa LPGMA-American Vinyl patungo sa krusyal na baÂhagi ng 2013 Ronda Pilipinas.
Ngunit may tsansa pang makabawi ang LPGMA-AmeÂrican Vinyl, ayon kay coach Rene Dolosa.
Ang pakakawalang Stage 13 ngayong umaga sa Solano, Nueva Vizcaya (204.4 kilometers) ay ang piÂnaÂkamahabang yugto sa nasabing 16-stage bikathon.
Ito ay tatlong low-level climbs malapit sa finish line, habang ang Stage 14 mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya hanggang sa Baguio City (133.5 kms) ay dadaan sa bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera.
Ang team champion ay tatanggap ng P1 miyon, haÂbang ang overall leader ay makakakuha rin ng P1 milyon matapos ang 16th at final stage ng Ronda, isang 67.5-km criterium.
Sina Irish Valenzuela, ang 2012 Ronda individual runÂnerÂup, at Cris Joven ang pambato ng LPGMA-American Vinyl sa individual race.
Nasa ikatlong puwesto si Valenzuela kung saan 31 seÂÂgundo ang agwat niya sa overall leader, habang nasa pang-anim si Joven sa kanyang 5:25 distansya.
“It’s no secret that we’re also after the individual crown. Performing well in the next two stages will be our best shot,†sabi ni LPGMA representative Arnel Ty.