Morales inangkin naman ang stage 12; Barnachea tumabla kay Oranza
TUGUEGARAO, Cagayan, Philippines -- Ginamit ni Navy-Standard rider Santy BarÂnachea ang kanyang eksperyensa sa patag na kalsada sa Cagayan para makatabla sa overall lead si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ang unahan para sa huling apat na yugto ng 16-stage, 21-day Ronda Pilipinas 2013 kahapon.
Nakadikit ang 36-anyos na si Barnachea sa 12-man lead pack sa huling 10-km stretch at tumapos ng mas maagang 12 segunÂdo kontra kay Oranza sa 101-3-km Stage 12 na piÂnakawalan sa Aparri.
Tinawid ng tubong Uminggan, Pangasinan na si Barnachea ang finish line na 16 segundo ang agÂwat kay lap winner at NaÂvy-Standard teammate na si Jan Paul Morales.
Tumabla si Barnachea, ang 2011 Ronda champion at nagkampeon sa Tour noÂong 2002 at 2006, kay Oranza sa magkatulad niÂlang 42 oras, 32 minuto at 32 segundo.
Ngunit isusuot ni Oranza ang LBC red jersey sa 204.4-km Tuguegarao-Solano Stage 13 na nakaÂtakda ngayong umaga.
Nagkaroon ng probleÂma si Oranza at naipit sa duÂlong grupo at tumapos na may oras na 2:14.02 kasunod si LPGMA-American Vinyl bet John Ricafort, nadiskuwalipika dahil sa kaÂbiguang makuha ang time limit.
Inihayag naman ni Ronda media director Jocel de Guzman na si Oranza ang muÂling magsusuot ng red jerÂsey.
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Ronald Gorantes (42:33.41) ng Roadbike Philippines, El Joshua Carino (42;37.52) ng PLDT-Spyder, LPGMA-American Vinyl pride Cris Joven (42:37.57), Mark Galedo (42:45.50) ng Roadbike Phl, VMobile-Smart rider Joel Calderon (42:46.21), Team Tarlac cyclist Tomas Martinez (42:46.51) at Navy-Standard veteran Lloyd Lucien Reynante (42:47.06).
- Latest
- Trending