Tinalo ang CV Spikers, NCR-West napanatili ang Shakey’s T-of-C crown
MANILA, Philippines - Ipinamalas ng NCR-West ang puso ng isang kampeon nang kunin ang mahirap na 25-22, 26-24, 28-26, straight sets panalo laban sa Central Visayas at hiranging kampeon sa 10th Shakey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions na natapos kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Best-of-five ang finals at kahit hindi nasagad ito, bawat set ay dikitang piÂnagÂlabanan ng dalawang koponan pero ang nagdeÂdepensang NCR-West na kinatawan ng Hope Christian High School ay nanaig sa mahahalagang puntos upang maiuwi ang ikalawang sunod na titulo at ikaapat sa ligang suportado ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports.
“Marahil dahil dalawang laro ang hinarap ngayon at pagod na ang mga plaÂyers. Pero lamang kami sa mental toughness at ang second six ko ay gumana,†wika ni champion coach Jerry Yee.
Si Desiree Cheng na graduating student, ay mayroong 14 puntos mula sa 13 hits at isang block habang si Chester Ong ay mayroong apat na blocks tungo sa walong hits.
Pero malaking papel ang nilaro ng mga pamalit na sina Vangie Encarnacion at Ronjean Momo lalo na sa third set na kung saan bumangon ang NCR-West mula sa 14-19 iskor para manalo.
Si Therese Ramas ay may 9 attack points para pangunahan ang Central Visayas na kinatawan ng Southwestern University.
Sina Shakey’s COO Vic Gregorio kasama ang PR and Events Officer Jam Evaristo at Freddie Ynfante ang siyang nanguna sa awarding ceremony na kung saan pinasalamatan ni Gregorio ang lahat ng sumuporta sa torneo.
Sa individual awards, si Cheng ang hinirang bilang Most Valuable Player at Best Blocker habang ang mga manlalaro ng SouÂthern Luzon na sina Regina Mangulabnan at Kristin Alejandre ang kinilala bilang Best Server at Receiver.
Sina Central Visayas volleybelles Angielou Castillo at Sheila Mae Bongon ang Best Setter at Attacker habang si Yee ang Best Coach.
- Latest