Asian zone 3.3 chess championship: so bumabandera na
Tagaytay City, Philippines --Nakamit ni Grandmaster (GM) Wesley So ang pangunguna sa fifth round ng Asian Zone 3.3 Chess Championship dito sa Tagaytay International Convention Center.
Ito ay matapos gibain ng 19-anyos na si So (Elo 2682) si IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia (Elo 2522).
“Maganda ‘yung coordination ng major pieces ko kaya napilit kong manalo sa laro against (Bayarsaikhan) Gundavaa,†sabi ni So.
Tangan ng tubong Bacoor, Cavite ang 4.5 points sa standings matapos ang limang rounds sa Nine Round Swiss-system event kung saan nakataya ang dalawang tiket para sa 2013 World Cup sa Tromso, Norway.
Nauwi naman sa draw ang laro ni second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam (Elo 2631) kay GM Darwin Laylo (2491).
Si Ngoc Truong Son, ang 2005 Manila Southeast Asian Games five gold medal winner ay nasa losing position subalit nagawang makipag-draw kay Marikina ace Laylo tungo sa total 4.0 points para sa solo second place.
Magkasalo sa third hanggang eighth places na may tig 3.5 points sina defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia, FM Gombosuren Munkhgal ng Mongolia, Laylo, 12-time national open champion GM Rogelio Antonio, Jr. at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.
Nagtabla sina Megaranto at Doc Hoa, habang hiniya ni Munkhgal si GM Dao Thien Hai ng Vietnam at ungos si Antonio sa kababayang si FM Haridas Pascua.
Sa iba pang laro ay panalo si GM Mark Paragua kay GM Eugene Torre; tiniris ni GM John Paul Gomez si FM Rudin Hamdani ng Indonesia; angat si US- based GM Rogelio Barcenilla Jr. kay Ravdanlkhumbuu Amgalanbaatar ng Mongolia; at ginulat ni FM Mari Joseph Turqueza si IM Rolando Nolte.
- Latest