4 Olympic sports inalis ng Myanmar

MANILA, Philippines -  Nagtanggal ng apat na Olympic sports ang Myanmar sa mga ikakalendar­yong laro sa SEA Games na kanilang gagawin sa Disyembre 11-22 sa tatlong magkakahiwalay na lugar.

Sa komunikasyon na  ipinadala ng host country sa Philippine Olympic Com­­mittee noong Huwe­bes, nakasaad dito ang pag­kakaalis sa mga larong bad­minton, gymnastics, lawn tennis at table tennis bukod sa event na water polo.

Ipinalit sa apat ang mga sports kung saan malakas ang Myanmar katulad ng vo­vinam, tarung derajat, kempo at chinlone.

Ang naunang tatlong sports ay mga martial arts sports, habang ang huli ay isang laro sa sepak takraw.

“Noong July ay nag-approved na ang SEA Games Federation Council ng 31 sports kasama ito ng apat na Olympic sport pe­ro ngayon ay binago ni­la. Nagkaroon na dati ng usapan na hindi puwedeng alisin ang mga Olympic sports sa SEA Games ka­ya naniniwala akong iba­balik ito,” wika ni POC secretary-general Steve Hontiveros kahapon sa SCOOP sa Ka­mayan sa Padre Faura.

Isang SEAG Federation Meeting ang gagawin sa Nay Phi Taw sa Enero 28-29 at si Hontiveros ay dadalo kasama sina 1st Vice President Jose Roma­santa, 2nd VP at Chief of Mis­sion Jeff Tamayo at trea­surer Julian Camacho.

“Ang Malaysia at Singapore ay nagbigay ng liham at inirereklamo nila ang ginawang ito ng Myanmar at  naniniwala akong gagawa ng aksyon ang Federation,” ani Hontiveros.

 

Show comments