So nakipag-draw kay Son sa 4th round
Tagaytay City, Philippines --- Matapos ang dalawang sunod na panalo, nauwi sa draw ang laban ni Filipino Grandmaster Wesley So kay second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son (Elo 2631) ng VietÂnam sa fourth round ng Asian Zone 3.3 Chess Championship dito sa Tagaytay International Convention Center.
Nagtabla sina So at Son matapos ang 44 moves ng Neo-Gruenfeld defense kung saan hawak ng 19-anyos na tubong Bacoor, CaÂvite ang itim na piyesa.
May 3.5 points ngayon si So kagaya ni Son.
Nakatakdang harapin ni So sa fifth round si Mongolian GM-elect Bayarsaikhan Gundavaa.
Makakatapat naman ni Son si Filipino GM entry DarÂwin Laylo, nakipag-darw kay Gundavaa matapos ang 30 moves ng Gruenfeld defense.
Katabla nina Gundavaa at Laylo na may 3.0 points sina defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.
Namayani si Megaranto kay IM Rolando Nolte sa 85 moves ng Ruy Lopez.
- Latest
- Trending