Pacquiao makakabalik sa dating porma - Arum
MANILA, Philippines - Inaasahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na makakabalik sa dati niÂyang kondisyon si FilipiÂno boxing icon Manny Pacquiao.
Sa panayam ng BoÂxingScene.com, sinabi ni Arum na hindi masyadong nasaktan si Pacquiao sa kabila ng pagpapabagsak sa kanya ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagÂkikita noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada.
“I’ve seen fighters recoÂver from that and it not affect them at all,†ani Arum. “BeÂcause remember, he didn’t get beat up. He didn’t get beat into submission and then get knocked out. It was one punch and he was through, so he didn’t take punishment.â€
Bago mapabagsak ng 39-anyos na si Marquez, isang split decision loss muÂna ang natikman ng 34-anyos na Sarangani Congressman kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo.
Bago lumaban si Pacquiao ay hihikayatin muna ni Arum ang Filipino world eight-division champion na sumailalim sa isang brain exaÂmination sa Cleveland CliÂnic.
“All I can do is suggest it, because he has passed the (post fight) test in Nevada and he has passed his test in the Philippines,†ani Arum kay Pacquiao. “I would like him to get the test that is proÂbably the best test in the world. What else, can I do? Hopefully he’ll do that.â€
Planong ilaban ni Arum si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) kay Marquez (55-6-1, 40 KOs) sa pang-limang pagÂkakataon sa Setyembre.
Samantala, tinitingnan naÂman ni Pacquiao na veÂnue ang Maynila at ang Singapore para sa kanyang laban.
- Latest
- Trending