Oranza inungusan si Valenzuela sa stage 10
LAOAG CITY, Ilocos Norte , Philippines -- Matapos sumegunda sa Stage 9, tuluyan nang inagaw ni PLDT-Spyder rider Ronald Oranza ang individual overall lead kontra kay LPGMA-American Vinyl pride Irish Valenzuela sa 80.4 Vigan-Laoag Stage 10 kahapon dito.
Bumandera naman ang Navy-Standard sa team race para angkinin ang Team Time Trial ng Ronda Pilipinas.
Iginiya ng 20-anyos na si Oranza ang kanyang PLDT-Spyder squad sa second place finish sa nasabing stage 10 sa likod ng lap winner Navy-Standard.
Nagtala ang PLDT-Spyder ng isang oras at 45 miÂnuto na nag-angat kay Oranza sa itaas ni Valenzuela paÂtungo sa huling anim na yugto.
“Sinabi lang ni coach (Chris Allison) kung ano ang dapat naming gawin at nasunod naman namin,†sabi ni Oranza ng Villasis, Pangasinan sa utos sa kanila ni Allison, ang mentor ng LBC national under-23.
Matapos ang 10 stages, sasabak si Oranza sa 171.4-km Pagudpud-Aparri Stage 11 suot ang LBC red jersey sa unang pagkakataon.
Sinolo niya ang individual lead mula sa kanyang aggregate clocking na 36:10.29.
Sumegunda naman ang 25-anyos na si Valenzuela sa kanyang oras na 36:11.23 matapos bumandera sa huling apat na stages simula sa Lapu Lapu-Busay Stage Five.
Inaasahan ni Oranza na babalikan siya ni Valenzuela sa Stage 11 para muling agawin ang individual overall lead.
Nagposte naman ang Navy-Standard ng bilis na isang oras, 43 minuto at 46 segundo para ungusan ng 14 segundo ang second placer na PLDT-Spyder.
Nagsumite ang Navy-Standard ng 108:48.27 at iniwanan ng 15 segundo ang PLDT-Spyder (108:48.42) at pitong minuto ang Roadbike Phl (108:55.39).
Ang panalo ng Navy-Standard ang nagtaas kina Santy Barnachea sa No. 3 sa kanyang 36:11.27 at Lucien Reynante sa No. 10 sa oras niyang 36:25.31.
Nasa No. 7 naman si 2012 champion Mark Galedo ng Roadbike Phl sa oras na 36:24.06.
- Latest
- Trending