^

PSN Palaro

So nanalasa agad sa Asian Zonal chessfest

Pilipino Star Ngayon

TAGAYTAY CITY, Philippines --Sini­mulan ni Super Grandmaster (GM)Wesley So ang kanyang kampanya sa Asian Zone 3.3 Chess Championship mula sa isang panalo sa Tagaytay International Convention Center.

Pinayukod ni So, ang highest-ranked player ng bansa mula sa kanyang Elo rating na 2682, si Rustum Tolentino ng Cagayan de Oro City (ELO 2364) sa 28 moves ng Queens Pawn Game tangan ang puting piyesa.

Susunod na makakatapat ng 19-anyos na tubong Bacoor, Cavite na si So, ang top seed sa 38-player Open division at ranked 66th sa buong mundo, si GM Eugene Torre ng Quezon City (ELO 2485) sa second round.

Si Torre, ang tinaguriang  Asia’s First Grandmas­ter, ay nanalo via default kontra kay National Master Michael Gotel ng Quezon City (ELO 2161).

Nanalo naman si US- based GM Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. (ELO 2483) kay NM Rolando Andador ng Talisay, Negros Occidental (ELO 2326) sa 53 moves ng Slav defense.

Makakaharap niya si second seed Super GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam (ELO 2631) na nagpayukod kay FM Rudin Hamdani ng Indonesia (ELO 2357) sa 49 moves ng French defense.

Nanalo din si FM Haridas Pascua ng Mangatarem, Pangasinan (ELO 2386) sa kababayang si Sarangani Usman sa 36 move ng Pirc defense.

ASIAN ZONE

BARCENILLA JR.

CHESS CHAMPIONSHIP

ELO

EUGENE TORRE

FIRST GRANDMAS

HARIDAS PASCUA

NANALO

NATIONAL MASTER MICHAEL GOTEL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with