All-Pinoy Azkals team bibilang pa ng taon
MANILA, Philippines - Bibilang pa ng taon bago makita ang isang All-Filipino Azkals team na kakampanÂya para sa malalaking torneo sa football.
Kumikilos naman ang Philippine Football Federation (PFF) para maisakatuparan ang naising makita na purong mga Pinoy ang bubuo sa national football team pero ang mga tinututukan ngayon ay mga edad 11 anyos pa lamang.
“Naghahanap ngayon ang PFF ng mga 11-anyos na manlalaro na may poÂtenÂsyal gamit ang grassroots program na Kasibulan. Hindi ito magiging madali pero puwedeng mangyari at sa 2019 ay posibleng mangyari ang isang All-Filipino national team na lalaban para sa bansa,†wika ni Azkals team manager Dan Palami na naging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon kasama si PFF secretary-general Atty. Edwin Gastanes.
Bunga nito ay patuloy na aasa muna ang Pilipinas ng tulong mula sa mga Fil-FoÂreign players para maipagpatuloy ang kinang na nakita sa Azkals.
Isang mahusay na Fil-Foreign player mula Spain na si Javier Lachica Patino ang darating ngayon sa hangaring palakasin ang laban ng bansa sa AFC Challenge Cup Group E qualifiers mula Marso 22 hanggang 26 sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang 24-anyos na si Patino ay naglalaro sa Cordoba FC at ang ina ay tubong Cebu. Agad na tutungo si Patino sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration para makuha ang mga kakailanganing papeles na magbibigay-karapatan upang masama siya sa national team.
Lahat ng mga Fil-Foreigners ay inaasahang makakasama dahil ang petsa ng torneo ay nalagay sa FIFA International Match Days. Sa mga ganitong araw puwedeng hiramin ng isang football federation ang mga manlalaro na naglalaro sa ibang professional football leagues sa ibang bansa ng walang tutol ang mga mother teams.
Ang Turmenistan, Cambodia at Brunei ang iba pang kasali sa torneo sa Marso at ang Turks ang siyang tinik sa landas ng Nationals dahil ang nasabing bansa ang tumalo sa Azkals sa semifinals ng 2012 edisÂÂyon na nilaro sa Nepal.
- Latest