Azarenka, Sharapova umusad sa quarters
MELBOURNE, Australia--Umusad si Victoria Azarenka sa Australian Open quarterfinals matapos iposte ang 6-1, 6-1 panalo laban kay Elena Vesnina noong Lunes.
‘’It’s getting there ... with every match you start builÂding up for the top battles starting now,’’ ani Azarenka, nangailangan lang ng 57 minutos para idispatsa ang 47th-ranked na si Vesnina.
Sinimulan ni Azarenka ang nakaraang season sa bisa ng 26-match winning streak, kabilang ang lopsided na panalo laban kay Maria Sharapova sa Australian Open final.
Sunod na makakasagupa ni Azarenka si Svetlana Kuznetsova, na pumasok sa quarters nang igupo si Caroline Wozniacki, 6-2, 2-6, 7-5.
Umusad rin si Maria Sharapova sa quarters nang manalo kay Kirsten Flipkens, 6-1, 6-0 at makakasagupa niya si Ekaterina Makarova na nanaig sa fifht seeded na si Angelique Kerber, 7-5, 6-4.
- Latest