^

PSN Palaro

Tunacao mapapasabak sa world title fight vs Japanese pug

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labindalawang-taon makalipas ang pagsalang sa huling world title fight ay magkakaroon uli ng pagkakataon si Malcolm Tunacao na makahawak  ng world title.

Sa Abril 8 sa Kokugikan, Tokyo ay mapapalaban ang 35-anyos na si Tunacao sa WBC bantamweight title laban sa nagdedepensang kampeon na si Shinsuke Yamanaka ng Japan.

Nagkaroon ng pagkakataon si Tunacao para sa world title matapos manalo kay Christian Esquivel ng Mexico sa title eliminator na nilaro noong Disyembre 22 sa Central Gym sa Japan.

Pinatulog ni Tunacao si Esquivel sa ikapitong round na senyales na may sapat pa siyang lakas para makakuha uli ng titulo.

Nasa Cebu ngayon si Tunacao para makapagpahinga pero nakatakdang magsimula ng pagha­handa.

Naka-sparring noong naghahanda si Yamanaka sa title fight, iingatan lamang umano ni Tunacao ang matinding kanang kamao ng nagdedepensang kampeon na siya niyang matibay na sandata.

Si Tunacao ay nakatakdang bumalik ng Japan sa Pebrero 23 upang doon isagawa ang mas masinsinang pagsasanay para sa pinakamalaking laban mula 2001.

Nakilala si Tunacao nang nanalo kay Medgoen Singsurat ng Thailand noong Mayo 19, 2009 sa Udon Thani, Thailand.

Makulay ang seventh round knockout na panalo na nakuha ni Tunacao dahil si Singsurat ang tumalo sa bata pa at dating kampeon ng dibisyon na si Manny Pacquiao.

Ngunit panandalian lamang naging kampeon si Tunacao at matapos ang tabla sa unang title defense laban kay Celes Kobayashi ng Japan noong Agosto 20, 2000, ay nawala ang nasabing titulo nang lumasap ng 1st round technical knockout pagkatalo sa ngayon ay maalamat na Thai champion Ponsaklek Wonjongkam, noong Marso 2, 2001.

Mula rito ay ibang Tunacao na ang nasilayan dahil isang talo na lamang ang nalasap sa sumunod na 24 laban na kinatampukan din ng dalawang tabla.

Ang 30-anyos na si Yamanaka ay mayroong 17 panalo sa19 laban kasama ang 12 KOs.

vuukle comment

CELES KOBAYASHI

CENTRAL GYM

CHRISTIAN ESQUIVEL

MALCOLM TUNACAO

MEDGOEN SINGSURAT

NASA CEBU

PONSAKLEK WONJONGKAM

SA ABRIL

TUNACAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with