^

PSN Palaro

Para mapanatiling suot ang Red Jersey Valenzuela may bagong diskarte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ng pigil at simula na ang todong hatawan sa pagpaling ng karera sa Ronda Pilipinas sa Luzon.

Ang isang araw na pahi­nga kahapon ay tiyak na ginamit ni overall leader Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl para pagpla­nuhan ang diskarteng gagawin sa pagratsada ng Stage Six ngayon na mula Malolos City Hall hanggang Tarlac Central Market ng Tarlac City na susukat ng 128.3 kilometro.

Nakuha ng 25-anyos na si Valenzuela ang lideratong iningatan ni Santy Barna­chea ng Navy-Standard sa unang apat na yugto ng karera, matapos ang pa­ngalawang puwestong pagtatapos sa Lapu Lapu-Busay Stage Five noong Biyernes.

“Alam kong babantayan na ako pero handa ako at gagawin ang lahat para maprotektahan ang kalamangan ko,” wika ni Valenzuela na mayroong18 oras, 21 minuto at 12 segundong kabuuang tiyempo.

Mangunguna sa hahamon ay magmumula sa mga batang siklista mula PLDT-Spyder na sina 19-anyos El Joshua Carino at 20-anyos Ronald Oranza na nasa ikalawa at ikatlong puwesto sa 18:22:48 at 18:23:10.

Bukod sa pagdikit sa overall, nais din nina Carino at Oranza na palakasin ang kapit sa unang puwesto ng koponan sa team event.

Bitbit ng koponan ang 55:20:19 oras.

AMERICAN VINYL

EL JOSHUA CARINO

IRISH VALENZUELA

LAPU LAPU-BUSAY STAGE FIVE

MALOLOS CITY HALL

RONALD ORANZA

RONDA PILIPINAS

SANTY BARNA

STAGE SIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with