^

PSN Palaro

Donaire 3 laban ang gusto

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong laban ang nais na mangyari sa taong ito ni WBO super bantamweight king Nonito Donaire at hindi ito kontra sa mga pipitsuging boksingero.

Binanggit ni Donaire ang mga pangalan nina Guillermo Rigondoaux ng Cuba, Armenian boxer Vic Darchinyan at Indonesian Chris John bilang mga pa­ngalan na siyang nais niyang sukatin sa taong ito.

Si Darchinyan ay tinalo na si Donaire noong 2007 sa pamamagitan ng fifth round knockout at nag-iingay ito sa hangaring makasukatan uli ang tubong  General Santos City pero naninirahan na sa San Leandro, California.

Kampeon naman si John sa WBA featherweight at ang pagsipat sa nasabing boksingero ang hudyat na iiwan na ni Donaire ang 122-pound division.

Pero ang tiyak sa ibinigay na pangalan ay si WBA  super bantamweight champion Rigondeaux at ang laban ay nakakalendaryo na sa Abril 27 sa Mandalay Bay  Resort sa Las Vegas, Ne­vada.

“Certainly before the end of April, it will be Guil­lermo Rigondeaux,” wika ng promoter ni Donaire na si Bob Arum.

Hindi na naman nababanggit kay Donaire ang kumpirmasyon ng nasabing laban pero handa niya itong harapin  kung matutuloy.

Si Abner Mares ng Me­xico at hari ng WBC ang siyang napupusuan ni ‘Filipino Flush’ pero kung hindi pa ito maseselyuhan, puwede niyang isantabi ito para kay Rigondeaux, isang two-time Olympic gold medalists na hindi pa natatalo matapos ang 11 laban, kasama ang walong KOs.

BOB ARUM

DONAIRE

FILIPINO FLUSH

GENERAL SANTOS CITY

GUILLERMO RIGONDOAUX

INDONESIAN CHRIS JOHN

LAS VEGAS

MANDALAY BAY

RIGONDEAUX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with