Macau at Singapore pinagpipilian: Pacquiao ayaw nang lumaban sa Amerika
MANILA, Philippines - Mismong si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang ayaw lumaban sa United States para sa kanilang pang-limang paghaharap ni Juan Manuel Marquez dahilan sa malaking babayarang buwis.
Kaya naman pinagpipilian ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na venue ng Pacquiao-Marquez Part 5 ang Macau at Singapore.
“Because close to 40 percent goes to the government,†paliwanag ni Arum sa pag-ayaw ng 34-anyos na si Pacquiao na itakda ang kanilang pang limang upakan ng 39-anyos na si Marquez sa Setyembre.
Ang tax rate para sa mga top earners ay mula 35% hanggang 39.6% na inaasahang malaki ang mababawas sa tatanggaping prize money ng Sarangani Congressman.
Tinalo ni Marquez (54-6-0, 39 KOs) si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) mula sa isang sixth-round KO win sa kanilang pang-apat na banggaan noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sa Abril sana gustong gawin ni Arum ang unang laban ni Pacquiao matapos ang naturang kabiguan kay Marquez.
“Todd (deBoeuf) was over in Macau and we can’t get a date with the arena, which wants the fight very badly, but their arena is tied up,†wika ni Arum kay deBoeuf, ang kanyang step son na siyang presidente ng Top Rank. “Singapore is not an option and I don’t think we can go to Manila for the fight, so I think they’re going to have to wait till September.â€
Bagama’t hindi matutuloy sa Abril, kumpiyansa naman si Arum na maitatakda niya ang Pacquiao-Marquez Part 5 sa Setyembre.
- Latest