^

PSN Palaro

20-teams palaban sa MMBL title

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 20 koponan mula sa naunang 70 high school teams ang palaban para sa 30th SeaOil Metro Manila Basketball League.

Tinalo ng Hope Christian High School ang La Salle Zobel, 73-64, sa Division I upang pumasok sa finals kalaban ang mana­nalo sa pagitan ng dating UAAP champion National University at NCAA champion San Beda na magtatagisan ngayon sa San Beda Gym.

Sa division II, ang Faith Academy Vanguards ay nanaig sa UST Team B, 69-58, para isunod ang tagisan laban sa Xavier na nalusutan ang NU Team B, 71-69.

Nasa finals naman ang San Beda Team B nang isantabi ang hamon ng ka­patid na paaralan na San Beda Alabang, 68-66. Kalaro nila sa Division III title ang Colegio San Belindo Rizal na inuwi ang 71-57 panalo sa Colegio de San Agustin Biñan.

Sa Division IV, ang NU Team C ay umukit ng 71-44 panalo sa  La Salle College of Antipolo para  harapin ang San Beda Team D na tinalo ang Espiritu Santo Parochial School, 65-61.

Ang girls team ng La Salle Zobel ay nanalo sa La Salle College of Antipolo, 68-46, at hihintayin ang mananalo sa pagitan ng Chiang Kai Shek-UNO at Casimiro Ynares Memorial School sa finals.

vuukle comment

CASIMIRO YNARES MEMORIAL SCHOOL

CHIANG KAI SHEK

COLEGIO SAN BELINDO RIZAL

DIVISION I

ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL

FAITH ACADEMY VANGUARDS

LA SALLE COLLEGE OF ANTIPOLO

LA SALLE ZOBEL

TEAM B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with