^

PSN Palaro

PBA d-league aspirant’s cup: Elite magpapasolido sa no. 2 vs Gems

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

(Trinity Gym, Quezon City)

2 p.m. Fruitas vs JRU

4 p.m. Cebuana Lhuillier  vs Blackwater Sports

 

 

MANILA, Philippines - Maagang paghahanda sa taong 2013 ang sinasandalan ng Blackwater Sports para maisantabi ang hamong ipapakita ng Cebuana Lhullier Gems sa pagbabalik ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

“Balik-ensayo kami no­ong January 4 para magkaroon kami ng sapat na panahon para maibalik ang game-shape ng mga bata. Malalaman natin ang epekto nito sa laro,” wika ni Elite coach Leo Isaac.

Tampok na laro dakong alas-4 matutunghayan ang tagisan at nais ng Blackwater na manatiling hawak ang mahalagang ikalawang puwesto sa standings.

Sa ngayon ay mayro­ong 5-2 karta ang Elite pero kung madidisgrasya sila ng Gems ay mabibigyan-daan nila ang pahingang Cagayan Valley at Big Chill na makasalo sa pinagna­nasaang puwesto dahil may iisang 5-3 baraha ang dalawang koponan.

Makikigulo rin ang Frui­tas Shakers para sa ta­gisan sa ikalawang puwesto sa pag-asinta pa ng panalo sa inspiradong Jose Rizal University sa unang laro.

Ikaapat na dikit na panalo ang nakaumang sa tropa ni coach Nash Racela na mag-aangat sa Fruitas sa 5-3 baraha.

Bukod sa pagiging pa­laban sa awtomatikong se­mis seat, palalakasin din ng Fruitas ang hanap na twice-to-beat advantage sa quarterfinals kung manalo.

Hindi naman madaling laro ito dahil pagsisikapan din ng Heavy Bombers ang paghablot ng ikatlong dikit na panalo tungo sa 4-4 baraha para manati­ling buhay ang asam na makaalpas sa elimination round.

Sa 9-1 karta, ang NLEX ay hawak na ang isang awtomatikong puwesto sa semifinals habang ang Informatics at Erase Xfo­liant ang unang dalawa sa limang mangungulelat na koponan na masisibak sa eliminasyon.

 

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHULLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRUITAS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with