Heat ibinandera ni Chalmers sa panalo
SACRAMENTO, Calif. -- Nagsalpak si Mario Chalmers ng career-high 10 three-point shots para sa kanyang career-high 34 points at pagbidahan ang Miami Heat sa 128-99 panalo kontra sa Sacramento Kings.
Ang 10 tres ni Chalmers ang pumantay sa franchsie record ni Brian Shaw at nagtala ng bagong record sa Sacramento’s Sleep Train Arena sa kanyang tinapos na 10-of-13 shooÂting sa 3-point territory.
“He had it going and we kept finding him. Mario was awesome,’’ sabi ni LeBron James kay Chalmers.
Nagposte ang Heat ng isang 30-point lead sa fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Kings.
Bago manalo sa Sacramento, nanggaling muna ang Miami sa dalawang sunod na kabiguan.
Humakot si James ng 20 points, 7 assists, 5 steals at 2 blocks para sa Heat, nakahugot ng 16 markers kay Chris Bosh, 12 kay Mike Miller at 11 kay Dwyane Wade.
Nagtala rin ang Heat ng season-high 35 assists at naglista ng 11 steals at 11 blocks - kasama rito ang apat ni Wade.
Tumipa si Isaiah ThoÂmas ng anim na 3-pointers para sa kanyang career-high 34 points sa panig ng Kings, natikman ang kaÂnilang ikaapat na dikit na kamalasan.
Nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 11 points at 8 rebounds at may 11 si James Johnson.
Sa Los Angeles, ibinigay ni J.J. Redick sa Orlando ang unang kalamangan mula sa kanyang triples may 42 segundo na lamang ang nalalabi, itinabla naman ni Arron Afflalo ang kanyang season high 30-puntos upang itakas ng Magic ang 104-101 panalo laban sa host team.
Ang kabiguan ay nagwakas sa franchise-record ng Clippers na 13-game home-winning streak kung saan pinakaba sila ni All-Star Chris Paul nang bumagsak ito na hawak ang kanyang kanang tuhod may 54 segundo ang nalalabi sa laro.
- Latest