^

PSN Palaro

Stags run 3 dinomina nina Guarte, Sarmiento

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinamalas uli ni Mervin Guarte ang angking husay upang makasama si May Anne Sarmiento na nagdo­mina sa 10-k race sa Stags Run 3 na tinaguriang “Takbo Para sa Bokasyon” kahapon sa ASEANA City sa Macapagal Boulevard.

Dating kampeon sa  5-k, wala pa rin nakasabay sa lakas at bilis  ng national athlete na si Guarte upang solong tumawid sa meta sa bilis na 29 minuto at 55 segundo.

“Ok ang takbo. Training ito para sa Myanmar SEA Games at maganda naman ang simula ko,” wika ni Guarte na nanalo ng pilak noong 2011 SEA Games sa Indonesia sa 800m at 1,500m distances.

Pumangalawa si Ryan Hulleza sa 31:10 habang ang kampeon ng unang edis­yon na si Justin Tabunda ang pumangatlo sa 31:29.

Pinawi naman ni Sar­miento ang pagkakalapag sa ikatlong puwesto no­ong nakaraang taon nang talunin sina Bheat Gano at Rhona Montero sa kababaihan sa 54:16 oras.

Sa taong ito, hindi  pina­yagan ng organizers sa pa­ngunguna ni San Sebastian president Fr. Christopher Maspara, OAR, na sumali ang mga mana­nakbo na hindi kasapi ng kanilang paaralan.

Halagang P2,000, P1,000 at P750 ang prem­yong napanalunan sa 10-k.

Ang dating Pangulo na si Joseph Estrada ang nanguna sa mga bisitang nakiisa at hinimok niya ang San Sebastian na ituloy ang proyektong ito dahil nakakatulong sila sa pagpapaganda ng kalusugan bukod sa pangangalap ng pondo para itulong sa nangangailangan.

Mahigit 4,000 ang tumakbo sa karera at ang pondong makukuha ay gagamitin sa apostolates mission sa Sierra Leone sa West Africa at sa malalayo at  mahihirap na barangay sa Palawan.

Nagkaroon din ng tagi­san sa 5-k at 3-k at lumabas na kampeon sa una ay sina Michael Bacong (20:24) at Cathlyn Dolalas (36:06). Sina Batang Pinoy veteran Jacos Nabong (21:53) at Roseleen Fulgencio (27:44) ang nanalo sa huli.

Si Grade four mag-aaral na si Mikhail Corpus ang nagdomina sa children’s division na pinaglabanan sa tatlong kilomentro.

Tumakbo rin ang 23-katao mula Chonbuk Na­tional University ng South Korea na nasa SSC bilang bahagi ng academic cultural exchange program at kuminang sina Nam Yeong Ie at Choz Sol Ip ma­tapos malagay sa ikala­wa at ikatlong puwesto sa  women’s 3-k division.

 

vuukle comment

BHEAT GANO

CATHLYN DOLALAS

CHONBUK NA

CHOZ SOL IP

CHRISTOPHER MASPARA

GUARTE

JACOS NABONG

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with