Calderon sa Stage Two; Barnachea overall leader pa rin
GADIAN City, Zamboanga del Sur , Philippines --Kumilos si Joel Calderon ng Smart sa huling 300 metro ng karera upang kunin ang pangunguna sa 139.5-km Stage Two kahapon na nagsimula sa Ipil sa Zamboanga Sibugay at nagtapos sa Gadian City.
Ang 33-anyos na si Calderon na hinirang na kampeon ng 2009 Padyak Pinoy Tour of Champions ay naÂoÂrasan ng tatlong oras, 27 minuto at 53 segundo para manalo kina LPGMA-American Vinyl Irish Valenzuela at Roadbike Philippines Ronald Gorantes.
May 3:27.57 oras si Gorantes habang si Valenzuela, ang pumangalawa sa nagkampeon na si Mark Galedo ng Roadbike noong nakaraang taon, ay kinapos ng dalawang segundo sa 3:27.59 oras.
Si Santy Barnachea ng Navy-Standard na nanalo sa first stage ay siyang nangunguna sa overall race sa 16-leg, 21 araw na LBC Ronda Pilipinas na nasa ikalawang sunod na taon.
May kabuuang tiyempo na 6:35.18 oras si Barnachea at angat ng dalawang minuto sa pumapangalawang si Tomas Martinez ng Team Tarlac na may 6:37.19.
Bigo man na makuha ang stage win, si Gorantes ay lumundag mula sa ika-22 puwesto tungo sa ikatlong puwesto sa 6:38.18 habang sina Valenzuela at Calderon ang nasa ikaapat at limang puwesto sa 6:38.19 at 6:38.27 bilis.
“Mahirap na hawak mo ang red jersey kasi binabantayan ka ng lahat. Nakakadalawang stage pa lamang at marami pa ang mangyayari,†wika ni Barnachea.
Galak na galak naman si Calderon sa naipakita lalo pa’t tiyempo lamang ang kanyang naipakita para makuha ang stage win.
- Latest