^

PSN Palaro

Laban ni Pacquiao sa Abril sa labas ng US

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kanyang posibleng pag-akyat ng boxing ring sa Abril, isa lamang sa Singapore, Macau at Dubai ang maaaring pagdausan ng laban ni Manny Pacquiao.

Inaasahang matatapos ang medical suspension ni Pacquiao, pinatumba ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong Disyem­bre 8, bago ang buwan ng Ab­ril.

Sinasabing itatampok sa boxing card sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) ngunit kontra sa magka­ibang kalaban.

Si world lightweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs) ang isa sa mga ikinukunsiderang ila­ban ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Pacquiao sa Abril.

Ang pang limang banggaan naman ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 39-an­yos na si Marquez ay itatakda sa Setyembre.

Bago ang mga laban ni Pacquiao sa Abril at Set­yembre, gusto muna ni Arum na sumailalim ang Sa­rangani Congressman sa isang neurological examination sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Cli­nic.

Ito ay upang matapos na rin ang isyu hinggil sa si­nasabing pagkakaroon ni ‘Pacman’ ng sintomas ng Par­kinson’s disease.

Sinuri na ni Dr. Regina Bagsic, ang personal physician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na dating na­muno sa Movement Dis­order Center ng St. Luke’s Me­dical Center, ang Filipino boxing superstar.

Samantala, nakatakdang magdesisyon si Marquez kung itutuloy ang kanyang boxing career, ayon kay promoter Fernando Bel­tran.

 

ABRIL

BAM BAM

BOB ARUM

BRAIN HEALTH

CLEVELAND CLI

DR. REGINA BAGSIC

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with